Pusong Mapaglakbay
Ipinikit ang mga mata
Nakinig sa musika
Nakarating sa alapaap
Hawak ang mga pangarap
Kung saan saan na nakarating
Sinusundan ang tinig ng hangin
Iginuguhit ang mga alaala
Sa pamamagitan ng mga letra
Nasaan ka na pusong mapaglakbay?
Kasalukuyan ang iyong karanasan ay pilit kang pinagtitibay
Nasaan ka na pusong mapaglakbay?
Patuloy na niyayakap ang pinagpalang buhay
Bigyang pansin ang mga regalo
Na ipinagkaloob Niya sa iyo
Ikaw ay magsumikap
Huwag kang mag-alala buhay mo Siya ang may hawak
Mga nigiti at pagmamahal sa iba
Huwag ipagdamot, ito'y iyong ipakita
Ang iyong talento ay paghusayan
Iyong sikaping umambag sa kasaysayan
Nasaan ka na pusong mapaglakbay?
Tila nahihirapan ka kung saan ka nailagay
Nasaan ka na pusong mapaglakbay?
Patuloy kang manalig at magbigay ng kulay
by: Karen Diaz Kelley 032815
Nakinig sa musika
Nakarating sa alapaap
Hawak ang mga pangarap
Kung saan saan na nakarating
Sinusundan ang tinig ng hangin
Iginuguhit ang mga alaala
Sa pamamagitan ng mga letra
Nasaan ka na pusong mapaglakbay?
Kasalukuyan ang iyong karanasan ay pilit kang pinagtitibay
Nasaan ka na pusong mapaglakbay?
Patuloy na niyayakap ang pinagpalang buhay
Bigyang pansin ang mga regalo
Na ipinagkaloob Niya sa iyo
Ikaw ay magsumikap
Huwag kang mag-alala buhay mo Siya ang may hawak
Mga nigiti at pagmamahal sa iba
Huwag ipagdamot, ito'y iyong ipakita
Ang iyong talento ay paghusayan
Iyong sikaping umambag sa kasaysayan
Nasaan ka na pusong mapaglakbay?
Tila nahihirapan ka kung saan ka nailagay
Nasaan ka na pusong mapaglakbay?
Patuloy kang manalig at magbigay ng kulay
by: Karen Diaz Kelley 032815

Comments
Post a Comment