Pangarap

Sabi nila ito ay libre 
Kaya sa paghiling dapat marami
Kasing dami ng tala sa langit 
Di' mo mabilang katulad ng buhangin

Sa paggawa nito itala sa puso't isip 
Buhay na makabuluhan punuin ng awit
Sa pagkamit ng bawat isa nito 
Iyong ihanda ang sarili upang magsakripisyo

Ibulong sa Diyos at manalangin
Laman ng iyong puso Kanyang makita at dinggin
Na ika'y bibigyan niya ng lakas 
Hanggang sa magtagumapy ka sa wakas

Isang tao mundo ang kaharap 
Dala dala ang mga naitatagong pangarap
Hindi lang para sa sarili
Para na rin sa ikabubuti ng marami

Ang iyong kinabukasan ay nasa iyong palad
Ika'y magsumikap para umunlad
Balang araw iyo ring makikita
Walang imposible kasi nangarap ka  







































San Nicolas Pangasinan <3 Beautiful mountains and culture Kalanguya Tribe <3

poem by: Karen Diaz Kelley 
written: Oct 6,2015

Comments

Popular posts from this blog

Here and Now (by Karen Kelley Galang - September 13, 2024 - written at PVG - Shanghai)

70 Reasons Why You are My Hero

Why I fell in love with the Metro