Pinagtagpi-tagping Tagpo

Dito ay malalim na ang gabi
Diyan ang araw ay sisikat ng muli
Sa pagdating ng bagong umaga
May mga panibago nanamang istorya

Kay bilis ng pagikot ng mundo
Kung saan saan na tayo dinala nito
Inilipad tayo sa iba't-ibang tagpo
Itinulak ng pangarap ng ating mga puso

Iba't-ibang hinaharap
Iisa pa ring naman ang sinisilungang alapaap
Nakatingin sa iisang mithiin
Magkaiba man ang ginagalawan iisa naman ang panalangin

Marahil ay hinuhubog pa ng panahon
Ang pusong punong-puno pa ng tanong
Nagsusumikap kahit magkalayo
Pinaghahawakan ng mahigpit ang ating mga pinagtagpi-tagping tagpo

- by Karen Diaz Kelley
written Dec 29, 2015

Samara Beach La Union - photo take by Mr. Ian G.

Comments

Popular posts from this blog

Here and Now (by Karen Kelley Galang - September 13, 2024 - written at PVG - Shanghai)

70 Reasons Why You are My Hero

Why I fell in love with the Metro