Hakbang

Sa pagpasok ng bagong taon 
Marahil iba-iba tayo kung saan naroon 
Pero sa ayaw man natin o gusto 
Umiikot pa rin ang mga kamay ng relo 

Kaya naman bago natin salubungin ito 
Bigyang espasyo ang mga isip at puso 
Muli pang namnamin ang nakaraan 
Piliin ang mga sandali na papakawalan 

Ang puso ay palayain 
Mula sa mga naranasang pait 
Magpatawad at humingi ng tawad
Ito ang maghahanda sa iyong muling paglalakad 

Ang mga karanasang nakapagpatibay sa iyo 
Mahigpit na hagkan at yakapin ito 
Dahil sa mga ito natuto kang maging matapang 
Sa buhay ay nagsimula na ring lumaban 

Letrato ng mga masasayang panahon 
Itago mo sa iyong pinakatago-tagong kahon
Sa panahong kailangan mo iyong balikan 
Ito ay siguradong iyong matatakbuhan 

Isang hakbang lang muna ang isipin 
Ngiti at pag-asa ang dalhin 
Mga kapiranggot na saglit wag’ sayangin 
Punuin ito ng iyong mga likhang sining 

Sa iyong paghakbang 
Mga bagong pangarap ay bigyang daan 
Sa iyong paghakbang 
Maging ilaw sa iyong tatahaking daan 

written January 1, 2018 - home sweet home in La Union <3 

Comments

Popular posts from this blog

Here and Now (by Karen Kelley Galang - September 13, 2024 - written at PVG - Shanghai)

70 Reasons Why You are My Hero

Why I fell in love with the Metro