Ora et Labora (Panalangin at Gawa)
Sa pagtibok ng ating mga puso
Dito na buhay nati’y nagbago
Landas na tayo ay pinagsama
Pagmamahal inialay sa isa’t-isa
Sa pagpasok ko sa iyong istorya
Bagong pag-asa nahanap mo sa Mendiola
Sinamahan kita sa unang araw
Hudyat ang iyong pangarap sa iyo’y pumukaw
Bago ako umalis patungo sa Amerika
Magkasama tayong nanalangin sa Kanya
Sa magkaibang daan natin
Kasama Siyang inilaban ang mga mithiin
Sa mga silid ng karunungan at pati na kapehan
Mga pahina ng icon aklat ilang beses mong pinasadahan?
Ang pahirap na mga aralin at mga guro
Iyong hinarap at hindi isinuko
Nagumpisa na mahirap
Hindi maintindihan ang bawat pagsusumikap
Magkaibang mga mundo
Pangarap at pag-ibig ang siyang nagpuno
Ilang taon din ang iyong iginugol
Kahit may mga panahong ika’y pagod ng maghabol
May mga oras din ako’y nainip at nanghina
Inaasam na rin sa mga bisig mo ako na ay magpahinga
Ganun pa man, niyakap natin bawat yugto
Ika’y nakitaan ng determinasyon at nakakamanghang talino
Sa ‘yo ay labis din na humanga
Dahil puso mo ay mapagkumbaba
Ako ay hinayaang lumayo
Sa iyo ay higit napalapit dahli araw araw ay sinamahan ako
Marating ang aking mga mithiin
Buhay ko’y kinulayan, tinutulungan mo akong magningning
Kay buti ng Diyos
Kasama kita sa bawat pag-agos
Kay buti ng Diyos
Siya sa buhay at puso natin ang umaayos
Kay buti ng Diyos
Ikaw na rin ay nakaraos
Iyo ng nakamit ang hangarin
Mga dalangin naipadala sa hangin
Ako ay mapala
Ikaw ay nakilala
Sa mga susunod na mga kabanata
Daanin pa rin natin sa panalangin at sa gawa
The day before Ian's bar result I was promised John 1:12, a reminder that I am His child.
It was a vindication since God whispered to have child-like faith to receive from Him,
His will. I was reminded that He knows all my need and will give as He pleases.
In my heart I couldn't help but to claim that this passage was for Ian too. That
God sees the desire of Ian's heart, his dreams. So then this was so comforting, to let
go and trust that God will work things for his good , our good. Today this is just one of
the answered prayers. I am overwhelmed that he could answer and give many miracles in just
a day or two.
To You be the glory and praise Father God! Our Jehovah Jireh! <3
Dearest Ian,
We are all so proud of you! God bless you as you pursue more of your dreams, be a light and salt to the earth!
I love you !
Your makata,
Karen Kelley
KDK <3
Comments
Post a Comment