Bakit ka tumatakbo?

Bumangon ng sobrang aga 
Si snooze button pinatay na
Ito ang umpisa 
Para makiisa 

Sa pagaayos ng sintas 
Agam agam sa sarili ay napigtas 
Bulong na “hindi mo kaya” 
Sa paguunat naramdamang malaya 

Pagkondisyon sa isip at puso 
Mahalaga para matagumpayan mo 
“Baby steps”, ika nga
Para umusad ka 

Hayan bibilang na 
Handa na sabik na mga paa  
Pintig ng puso bumibilis
Alinlangan mo tuluyan ng naalis 

Sa iyong pagtakbo 
Baon mo ang matuto
Umalis muna sa iyong mundo
Huminga bago harapin mga pagbabago

Marahil iba iba ang istorya
Ng lahat ng mananakbong nakalinya
Yung iba gustong manalo
Yung iba naman gusto lang makihalobilo 

Yung iba gusto ng sariwang hangin at katahimikan 
Yung iba gustong magpalusog ng katawan
Yung iba gustong sa buhay ay makausad
Magkakaiba man magkawangis naman ang hangad

Sa mga kabataan ay makatulong 
Isang adhikain ang tinutulungan maisulong
Wakasan ang pagkagutom ng mga bata 
Para makaisip ng mabuti sa eskwela 

Kahit nasan man sa karera ng buhay na ito
Ang iyong mga hakbang ang nagbibigay kulay nito 
Kapag naging malakas na tayo
Para sa ibang tao naman tayo tumakbo

written by: 
Karen Diaz Kelley 





Comments

Popular posts from this blog

Here and Now (by Karen Kelley Galang - September 13, 2024 - written at PVG - Shanghai)

Ilaw