Ilaw

Pagsilip ng araw sa bintana
Bagong umaga narito na
Bungad ay pasasalamat
Buhay patuloy na isinusulat

Pagngiti sa salamin
Hindi maikubli sa puso at isip ay inaamin
Sa paglalakbay sa iba't-ibang mundo
Natuklasan ko ang kabutihan Mo

Sa dyip, sa bus at sa tren
Sa opisina, sa lansangan at sa simbahan
Mga lugar madalas ako'y Iyong sinasamahan
Kung saan Iyong hinuhubog at tinuturuan

Madalas ako ay nagmamadali
Oras kasi ay parang nakikipagunahan palagi
Madalas din akong parang nalulunod
Sa agos na tila wala kang magawa kung hindi ang sumunod

Buti na lang Ika'y nariyan
Ika'y nagbibigay ilaw sa daan
Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan
Ngunit ako ay maligaya kinopkop mo ako sa Iyong tahanan

Isang taong mahilig pa ring magreklamo
Sa halip na mapagpasalamat at kontento
Isang taong minsa'y hindi marunong magmahal ng tunay
Sa halip ay makasirili ipinipilit ang gusto

Minsan naiisip ko din ang sumuko
Hindi ko na kasi nakikita ang kinang ng aking puso
Ngunit Ikaw pa rin ang siyang nagaakay
Pag-asa at lakas nagmula sa Iyong mapagpalang kamay

Patawad sa lahat ng aking mga kasalanan
Mamahalin Ko Kayo magpasawalang hangganan
Kayo ang nakakalam sa aking mga daraaanan
Patuloy po Ninyo akong bigyan ng ilaw at samahan

Comments

Popular posts from this blog

Here and Now (by Karen Kelley Galang - September 13, 2024 - written at PVG - Shanghai)

70 Reasons Why You are My Hero

Why I fell in love with the Metro