HIndi bawal malungkot, pero hindi rin bawal maging masaya

hindi bawal ang malungkot kapag ika'y nag-iisa;
pero hindi rin bawal ang maging masaya dahil ang totoo lagi kang may kasama
hindi bawal ang malungkot kapag may problema kang dinadala;
pero hindi rin bawal maging masaya kasi ito'y tiyak na iyong makakaya

hindi bawal ang malungkot kung ika'y malayo sa iyong minamahal;
pero hindi rin bawal ang maging masaya lalo na't kayong dalawa ay pinagtitibay pa
hindi bawal ang malungkot kung palagi gusto  mo na siyang makasama;
pero hindi rin bawal maging masaya dahil sa pag-asang pinanghahawakan ninyong dalawa

hindi bawal ang maging malungkot kapag minsan nasasaktan ka niya ng di sinasadya;
pero hindi rin bawal maging masaya dahil sa kabila nito mahal mo pa rin siya
hindi bawal malungkot kung minsan kulang ang panahon ninyo sa isa't-isa;
pero hindi rin bawal maging masaya sa oras na para naman sa inyong dalawa

hindi bawal maging malungkot kung minsa'y naiinip ka na sa paghihintay;
pero hindi rin bawal maging masaya dahil alam mo lahat ng mga pangyayari ay may dahilan
hindi bawal maging malungkot sa tuwing nahihirapan ka sa mga pagsubok sa buhay;
pero hindi rin bawal maging masaya dahil ito ay gagawin mong  guro mo sa mga landas na tatahakin pa
Las Vegas, January 2011


Comments

Popular posts from this blog

Here and Now (by Karen Kelley Galang - September 13, 2024 - written at PVG - Shanghai)

70 Reasons Why You are My Hero

Why I fell in love with the Metro