Kamusta na Kaya si Lolo?
Ilang buwan ay lumipas na
Maraming pagbabago ang nararanasan pa
Pero sa isang saglit napunta sa isip
Isang tao na sa puso ko ay sadyang malapit
Hindi ko alam ang kanyang pangalan
Pero sa buhay alam kung mahirap ang kanyang pinagdadaanan
Sa ilalim man ng matinding init o ulan
Sa lansansangan sa limos ay araw araw ng nakaabang
Mula sa umaga hanggang sa paglalim ng gabi
Ilang puso kaya ang natangay o kaya nama'y nahati?
Mabilis siyang nadaraanan ng mga tao
Ang karaniwang paglalakad na ito pala ay may itinuturo
Sa dami ng kailangang gawin
Minsan di na natin alam kung pano ito hatiin
Ganun pa man nanatili ako sa mabagal na paglalakad
Maiging pinagmamasdan ang lungsod na minsa'y hinangad
Isa na nga si lolo sa mga naging parte ng aking buhay dito
Di' ko man siya nakilala may lugar siya sa aking puso
Sa maraming beses na sa kanya'y bumisita
Maraming beses din niyang pinaalala na ang dami kong biyaya
Si lolo nga ay di' na nakakakita at matanda na
Naisip ko bakit siya ay hinahayaang mamalimos pa?
Marahil sa hirap na rin ng buhay kaya siguro ito'y ginagawa
Kahit kakarampot man lang na salapi o pagkain sa pamilya'y maiambag niya
Sa paglalakad kung saan naroon ang pwesto niya
Nasanay na din akong naroon siya
Na kung di' ko siya makita
Bigla akong magtataka at mag-aalala
Kamusta na kaya si lolo?
Panalangin ko sana ok siya kahit papaano
Mahal na Ama sa buhay ay bigyan mo siya ng pag-asa
Yakapin mo siya sa Iyong mapagmahal na kalinga
Comments
Post a Comment