Munting Prinsesa
Pagising sa umaga
Sa pagmulat ng mga mata
Halik sa aking noo
Prinsesa akong itinuturing mo
Sa iyong mga mata
Aking nakikita
Pagmamahal at pagsuporta
Sa paglaki pa ng iyong prinsesa
Sabi mo maganda ako
At itinuturing mong regalo
Sabi mo rin sa buhay
Pulutin ang mga aral na makukulay
Ang sarap maging isang munting prinsesa
Kahit ang mundo'y puno ng katanungan na
Nariyan ka at ipinapanalangin mo pa rin
Makabuluhan at masayang buhay aking kam'tin
![]() |
| Dad and Little Princesses :) |

Comments
Post a Comment